Followers

Saturday, October 16, 2010

Mga Nakakabad3p n mga klasmeyts! [Repost]

Dito sa mundong ibabaw ay marami ang mga nilalang na sadyang may kakahayang sumira ng iyong araw. Sila ung mga nakahahalubilo natin saloob ng sild-aralan na hindi talaga natin madaling makasundo, at kadalasan ay "in-born" na sa kanila ang hobby na umubos ng pasensya ng iba. Sila ay maaaring i-classify sa mga ss. na grupo:
1.) MGA TUPPERWARE- mga creatures na tupperware as in plastik na kapag kaharap ka ay mistulang anghel sa bait pero pagtalikod mo ay inis pala sa iyo at sinisiraan ka sa iba.
2.) MGA STRAW- isa na namang uri ng plastik ngunit mas malupit dahil teachers ang target ng mga ito. Naglalayon silang maging teacher's pet sa pamamagitan ng pagSIPSIP(kaya nga straw, eh!) Ipaalala sa mga straw: "Dahan-dahan lang, baka madehydrate nyan si ma'am!)
3.) MGA COPYCAT- aba eh sino naman ang hindi kukulo ang dugo kapag nakita mo ang project na pinag-isipan mo nang matagal ay parang xerox copy ang papel ng copycat na ito. Eto yung mga kamag-aral mong tuwing may project making ay halos lumabas ang eyeballs sa kakokopya ng ideya ng lahat!
4.) MGA PARASITES- hindi ito harmful na insekto pero pwede ring ituring na isa sa kanila. Sila yung mga kapag nagpakuha ng papel si Ma'am ay nagiging instant close friends kayo. Hindi maaaring mawalan ng ganito sa isang klase kaya hindi umaabot ng isang buwan ang lifespan ng mga gamit mo sa eskwela.
5.) MGA KSP o Kulang sa pansin. Sila ung mga klasmeyt na laging nagpapapansin sa yo kahit hindi na sila pinapansin. Dala siguro yun ng pagkainggit nila sau. Wahaha!
6.) MGA TRYING HARD Sila ung tipong mayayabang na kapag bigayan na ng mga grades e saksakan ng yayabang. Pero mga trying hard naman pala sa pangongopya sa katabi pag oras ng exam. Tandaan: "kung sino pa ang mga nagyayabang sa una ay sila pa ang bumabagsak sa huli! Wag magyabang kung hindi naman sa sariling uTAK nanggaling ang kaalaman at huwag magyabang dahil may FINALS pa!
7.) MGA JUAN TAMAD Sila ung mga tipo na kapag may mga pagsusulit ay kampante pang hindi magreview at tiyak na aasa na lang sayo para pakopyahin sila at pag nabagsak tipong sisisihin kapa? Mga hunghang ! Magsariling-sikap kayo kung gusto nyong pumasa.. Tandaan: "Ang pangongopya, lalong nakakaBOBO sa mga utak na mahina!
8.) B.I.P o Bad Influence Person Self-explenatorina lang ito. Sila yung tipong nag iimpluwensya ng mali laban sa pag-aaral mo. Ung tip0ng, "Hoy, wag kang pumasok! Wala namang gagawin dun e!" TakeNote: Wag nga kaung makialam kung gusto kong pumasok. Sino b kau ha?!
9.) ASA-SERO Sila ung mga asa-asa na lang. Ung naghihintay na lng kung sino ang magpapakopya!Wahehe! Nabiktima ka ba nila? O baka kabilang ka naman sa kanila? Konti pa lamang yan. Marami pang dapat maibilang sa listahan. Ngunit sa kabila ng lahat ay wala din namang mabuting maidudulot kung sila ay ating papatulan. Habaan lang ang iyong pasensya o kaya'y wag na lang silang pansinin. Iwasan din nating magbitiw ng masasamang salita tungkol sa kanila dahil maaari tayong makasakit sa damdamin ng iba.

No comments: