Taon-taon tuwing sasapit ang unang araw ng Nobyembre, sama-samang nagpupunta ang mga tao sa sementeryo upang dalawin ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay. Karamihan sa mga tao ay bisperas pa lamang ay nagsisipagpuntahan na sa sementeryo para makaiwas sa dagsa-dagsang taong pupunta sa sementeryo at iwas trapiko na rin kinabukasan. Kaliwa't kanan at puspusan na rin ang paglilinis ng kani-kanilang mga puntod. Sa ibang magsisipaglinis, kanya-kanya sila ng mga dadalhing gamit kung ano man ang nakatoka sa kanila gaya ng timba, tabo, walis, dustpan at dapat hindi mawawala ang garbage bag na paglalagyan ng mga basurang nagkalat. Syempre nagbabadya din dumalaw sa mga sementeryo si Santino este Si Santi, tiyak na uulan pero wag naman sana. Hindi mawawala ang mga nasusulputan mga nagtitinda ng mga turo-turo gaya ng mga fishballs at kikiam, mga inihaw gaya ng BBQ, isaw, betamax, hotdogs at adidas o yung paa ng manok, nandyan din ang mga booth ng Jollibee, Pizza Hut, Mc Donald's, Dunkin Donut at iba pa, mayroon din mga perya at mga palaruan gaya ng mga carnavals etc. Dito sa Baliuag, malapit ang sementeryo sa SM City Baliwag kaya after mung dumalaw, pwedeng ka na rin dumaan sa SM para mamasyal, kumain at mag window shopping pero hindi dapat nating kalamutan ang ating mga pumanaw na mahal sa buhay na sila ay ipagdasal para sila ay mamahinga ng mapayapa. HAPPY HALLOWEEN!!
No comments:
Post a Comment